Sunday, October 31, 2010

per se


CATERPILLAR NOTES
josef ivo aginaldo,rn

Nakatulala sa nangingirot na hangin...
Hanap ang pag-asang mahagilap ang nawalang tanawin...
Sa mundong niyurakan, ikaw ay magiging muling akin...
Lasap ang hapdi ng maling binhing tinanim...

Hinugot ko and ala-ala sa natitigang kong puso...
Pinitas ang bunga ng pagkukunwari at pagnunukso...
Mga mapait na katas tinikman at isinubo...
Sa diwa kong uhaw imahe niya'ng naglalaro...

Sa dinuraan ko ng mga talulot ng rosas...
Na minsan kong niyapos ang mga tinik na kay talas...
Sa pighating sa mukhay umalpas...
Nalalantang kahapon di na maipagpabukas...

No comments: