Saturday, May 15, 2010
AUTO ELECTION
BY: JOSEPH IVO A. AGUINALDO, RN
Sa mga hintuturong minarkahan ng itim na pluma,
Sa mga na"shade" naming mga hugis itlog na mahalaga,
Sa "CONGRATULATIONS" na hinintay ko talaga,
Sa "PICOS" na tila "xerox machine" lang sa pipol na madla.
Malinis na ang tradisyonal na halalan,
'Sing puti ng budhi ng botanteng di ibenenta ang karapatan,
Sa biente o kulay ubeng pera man,
O sa isang supot ng bigas at sardinas na pang-isang kainan.
Sa kinabukasang mahalaga sa iilan,
Sa mga pumatrol upang boto'y bantayan,
"KUDOS!",ko lamang mailalaan,
Saludo sa inyo si Inang Bayan.
Sa mga pulitikong nandaya at nagpakabuwaya,
Binuhay pa kaya kayo ng inyong konsensiya?
Hiling ko'y natalo at humiga sa natirang barya,
O di kaya'y sa susunod ayaw ng kumarera.
Sa mga nanalo ng pagbabago,
Sa mga bagong halal ng mga tao,
Sana'y kapangyarihan gamitin para sa tao,
At pairalin ang Diyos, makatao, at puso nyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
haha..pagcomment pud mo oie..narcissistic...
Post a Comment